LRT-1 tigil-operasyon sa Disyembre 3, 4

LRT-1 tigil-operasyon sa Disyembre 3, 4

November 27, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sususpendihin ang operasyon ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) mula Disyembre 3 hanggang 4.

Ito ay upang bigyang-daan ang preparasyon sa reopening ng Roosevelt Station sa Quezon City.

“No LRT-1 operations on the following dates for operational readiness tests December 3 and 4, 2022,” ayon sa Light Rail Manila Corporation.

Maaalala na pansamantalang isinara ang istasyon mula noong Setyembre 5,2020 para sa konstruksyon ng North Triangle Common Station.

Sa nasabing pagsasara, nasa 5,000 hanggang 7,000 pasahero na gumagamit ng istasyon ang maaapektuhan. Jocelyn Tabangcura-Domenden