LRT-2 balik-operasyon kasunod ng sunog sa Legarda

LRT-2 balik-operasyon kasunod ng sunog sa Legarda

January 18, 2022 @ 1:48 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Balik-operasyon na ang Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) rbago mag-tanghali ngayong Martes, matapos pansamantalang itigil ang operasyon nito dulot ng fire incident malapit sa Legarda at Pureza stations.

Batay sa isang tweet kaninang umaga, sinabi ng Light Rail Transit Authority, “LRT2 operations is temporarily suspended due to a fire incident near the carriageway between Legarda and Pureza stations.”

Bandang alas-11:03 ng umaga nang ibalita ng LRTA na muli na itong aarangkada.

“Train service is now available from Recto to Antipolo and vice versa,” ayon dito.

Naiulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region ang sunog sa Legarda street sa harap ng Arellano University bandang alas-10:19 ng umaga.

Umabot ang sunog sa first alarm at tuluyang napuksa bandang alas-10:53 ng umaga. RNT/SA