LRT-2, may libreng serbisyong medikal bukas

LRT-2, may libreng serbisyong medikal bukas

July 11, 2018 @ 12:49 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Magkakaloob ng libreng serbisyong medikal ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa kanilang mga commuter bukas, Hulyo 12.

Ito’y bilang bahagi ng pagdiriwang ng 38th founding anniversary ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Sa anunsiyo ng LRTA sa kanilang Twitter account, nabatid na makakatuwang nila ang Biofemme Pharmaceuticals sa pagbibigay ng libreng medical services sa kanilang mga mananakay.

Isasagawa ang aktibidad sa Cubao Station mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 lamang ng tanghali.

Ilan sa mga serbisyong ipagkakaloob ay bone scanning, hemoglobin determination, blood pressure reading at sugar testing.

“Free medical services: We want to celebrate our 38th anniversary with you! See you at Cubao Station tomorrow!” anunsiyo pa ng LRT-2.

Ang LRT-2 ang siyang nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan sa Pasig City. (Macs Borja)