LRT-2 ops balik-normal na

LRT-2 ops balik-normal na

August 1, 2022 @ 8:29 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Bumalik sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit – Line 2 (LRT2) ngayong Lunes, Agosto 1, pagkatapos ng problema sa catenary wire na nakagambala sa operasyon ng tren noong Linggo.

“LRT-2 will resume its normal operations from Antipolo to Recto today, August 1, 2022 at 5:00 AM,” saad sa tweet ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Simula alas-6 ng umaga ng Lunes, mayroong pitong tren na tumatakbo na may 12 minutong pag-usad.

Limitado ang operasyon ng LRT2 noong Linggo dahil sa sirang catenary wire sa pagitan ng Legarda at Pureza eastbound stations.

Ang mga tren ay tumatakbo lamang mula V. Mapa hanggang Antipolo at vice versa noong Linggo. RNT