LRT, “Sagot namin ang sakay niyo”

LRT, “Sagot namin ang sakay niyo”

June 12, 2018 @ 2:38 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng LRT 1 at LRT 2 sa twitter ang pagbibigay nila ng free rides ngayong ika-12 ng Hunyo  kaisa sa pagdiriwang ng Independence day ng bansa.

Ang free rides ng LRT 1 at LRT 2 ay mula 7 ng umaga hanggang 9 ng umaga at mula 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Naunang nag-tweet ang LRT 1 noong Lingo na nagsabing, “Sagot naming ang sakay niyo! Ingat po sa byahe,” na sinundan ng LRT 2 kahapon.

Samantala, pahabol naman ng Department of Transportation, magkakaroon din ng free rides ang MRT sa parehong araw at oras ng LRT.

Ang free rides na ito ay isinagawa para sa ika-120 anibersaryo ng kalayaan ng bansa na  taunang inihahandog ng metro train lines sa mga pasahero nito.  (Remate News Team)