LRT1 ops suspendido sa Jan. 30

LRT1 ops suspendido sa Jan. 30

January 27, 2022 @ 7:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) na suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) sa Linggo, Enero 30.

Sa kalatas, sinabi ng LRMC na ito ay upang bigyang daan ang upgrade ng kanilang signaling system.

“Normal operations of LRT1 will resume on January 31, 2022, Monday.”

Noong Nobyembre 21, inilahad ng LRMC na ang pag-upgrade ng signaling system ng LRT ay isasagawa sa November 28, 2021, January 23, 2022, at January 30, 2022.

Sinabi rin ng pamunuan na magkakaroon ng series ng test runs at trial runs sa LRT1. RNT/FGDC