LRTA execs, contractors kinasuhan sa biniling P170M substandard equipment

LRTA execs, contractors kinasuhan sa biniling P170M substandard equipment

December 14, 2021 @ 10:14 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo ang Light Rail Transit Authority (LRTA) laban sa ilang mga kasalukuyan at dating opisyal, engineers at pribadong contractors na sangkot sa maanomalyang pagbili ng halagang P170.3 milyong substandard equipment para sa LRTA Line 2 (LRT-2)

Sa pahayag, sinabi ng LRTA na kasama sa inireklamo sa Office of the Ombudsman ay sina Engr. Fernando Quiambao (former LRTA Head Executive Assistant); Antonio R. Laigo Jr. (LRT-2 Operations Department Manager at itinalagang kinatawan ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Bids and Awards Committee (BAC); Engr. Julito Bernales (Manager, Project Management Office (PMO) for Rehabilitation Projects); Engr. Rommel Correa; at Engr. Robert Ruiz gayundin ang Kempal Construction and Supply Corp. at Joint Venture of Ma-an Construction, Inc., at IFE Elevators, Inc.

“The filing of cases is in support of the anti-corruption efforts of the Duterte Administration and DOTr [Department of Transportation] Secretary Art Tugade’s call to provide comfort and to protect the interest of the riding public,” pahayag ni LRTA officer-in-charge Paul Chua.

Ang reklamo ay matapos bumuo si dating LRTA Administrator Reynaldo Berroya ng fact-finding committee noong Dec. 4, 2019 upang imbestigahan ang P138-milyong kontrata para sa suplay, delivery, installation, at commissioning ng conveyance systems na in-award sa Ma-an Construction, Inc. at IFE Elevators, Inc. JV; ang P25.8 milyon contract para sa suplay at delivery ng rolling stock diagnostic tools at equipment na in-award sa Kempal Supply and Construction Corporation-Dafang JV; at P6.5-milyon contract para sa suplay at delivery ng re-railing equipment na in-award maman sa Kempal Supply and Construction Corporation.

Taong 2030 nang simulan ng Philippine Anti-Corruption Commission (PACC) ang imbestigasyon sa usapin at naglabas ng subpoenas kay Chua, iba pang LRTA, at PS-DBM officials upang tumestigo at magsumite ng mga kaukulang dokumento.

Isinumite ang fact-finding investigation report ng PACC noong June 15,2021 sa Ombudsman sa tatlong maanomalyang kontrata at inirekomenda ang pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal.

Bilang tugon, ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagrepaso sa lahat ng iba pang proyekto sa rehabilitasyon ng LRT at ipagpatuloy ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga tiwaling opisyal at kontratista.

Ipinag-utos nito na i-blacklist ang joint venture ng Ma-an Construction, Inc. at IFE Elevators, Inc. para sa delivery ng substandard escalators para sa LRT-2 line at Kempal Construction Supply Corp. para sa delivery ng substandard equipment tulad ng re-railing at diagnostic tools. Jocelyn Tabangcura-Domenden