LTA pinatawan ng $1-M na multa; Russia, Belarus binawalang maglaro

LTA pinatawan ng $1-M na multa; Russia, Belarus binawalang maglaro

December 8, 2022 @ 10:09 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinampal ng tumataginting na $1-milyon na multa ng Association of Tennis Professionals (ATP) ang Lawn Tennis Association (LTA)  matapos hindi payagan ang Russia at Belarus na makapaglaro sa grass-court events.

Nag-ugat ang pagbabawal sa  ginawang pananakop ng Russia sa Ukraine.

Binalaan din ng ATP na tatanggalan nila ng ATP membership ng LTA kapag inulit nila ang hakbang sa susunod na taon.

Ikinagulat naman ng LTA ang nasabing hakbang at inakusahan ang ATP na walang ipinapakitang awa sa mga nagaganap sa Ukraine.

Magugunitang pinagbawalan na maglaro ang mga lalaking tennis players ng Russia at Belarus sa Wimbledon dahil sa ginawang paggiyera sa Ukraine.