LTFRB, dapat maging patas sa lahat ng pampublikong sasakyan – ayon sa solon

LTFRB, dapat maging patas sa lahat ng pampublikong sasakyan – ayon sa solon

July 7, 2018 @ 2:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Kinalampag ng ilang kongresista ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maging patas sa lahat.

Binanggit ito ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles sa LTFRB kaugnay ng ipinatutupad na parusa sa mga pampasaherong sasakyan.

Muli ay ibinuking ni Nograles ang panibagong pagtatangka ng Grab na pangunahan ang poder ng LTFRB nang magpalabas ng bagong sistema ng booking fee na  P100 bawat biyahe.

Ayon sa kongresista dapat ang regulasyon ng LTFRB na protektahan ang mananakay mula sa pang-abuso ay para sa lahat ng pampasaherong jeep, bus, at Transport Network Companies (TNCs) gaya ng Grab Philippines.

“LTFRB threatens drivers who overcharge by one peso, yet treat with kid gloves the multi billion company that has been caught lying many times,” ani Nograles.

Hindi aniya marapat na sikilin ang mga tsuper ng dyip para lamang  masabi na nagpapatupad ng batas ang LTFRB gayung barya-barya lang ang kinikita ng mga jeepney drivers tapos napag-iinitan pa sila samantalang ang Grab aniya ay kumikita ng P20 million bawat araw.

Giit pa ni Nograles kung ang PHP2.00 kada minuto ng GRAB ay iligal at naulit na ng may 67 milyong beses, kung ganoon aniya ang LTFRB ay dapat singilin ang Grab ng P335 bilyon.

“This P100 booking fee is already reflected on the fare breakdown posted by Grab, which also deducts the same amount purportedly as promotional discount.”

Upang pagtakpan aniya ito ay nagbibigay ng P100.00 na diskuwento ang Grab ngunit hindi anya ito dapat sapat upang manahimik ang LTFRB. (Meliza Maluntag)