LTFRB, DILG kinalampag ni Poe sa listahan ng benepisaryo ng fuel subsidy

LTFRB, DILG kinalampag ni Poe sa listahan ng benepisaryo ng fuel subsidy

June 7, 2022 @ 4:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Kinalampag ni Senador Grace Poe ang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa listahan ng mga drayber at operator na bibigyan ng fuel subsidy sa gitna ng patuloy na paglubog ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na sanhi ng mahigit ilang buwan sa makupad na pagtugon mula sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, tuluyan nang naipit ang sector ng transportasyon.

“Ilang drayber art operator ng public utility vehicles ang nakatakdang maglunsad ng malawakang transport strike kapag hindi natugunan ng pamahalaan ang problema sa patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo,” ayon kay Poe.

Dahil ditto, nanawagan si Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na suriin at sa Department of Interior and Local Government (DILG) na magsumite ng kaukulang listahan ng fuel subsidy recipients.

Sa huling update, umabot lamang sa 250,000 mula sa 264,000 na dapat makatanggap ang nabigyan ng fuel subsidy.,’ ayon sa senador.

“Pero, hindi pa nakapagsusumite ang DILF ng berepikadong listahan ng tricycle driver art operator. Kaya nakakadagdag alalahanin ito sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na nagsimula noong Enero habang nagpapahayag ang pamahalaan sa plano nitong mamamahagi ng fuel subsidy sa Pebrero. Halos kalahati ng taon ang lumipas nang walang silang nakukuhang tugon. Umaasa tayo ng mas maagap na tugon mula sa pamahalaan,” giit ni Poe.

“Ipinaglaban natin ang kritikal na P2.5 bilyong fuel subsidy provision para sa PUVs sa badyet sa taong ito. Mariin nating isinulong na makapaglaan ng pondong maaaring magamit ng ating mga tsuper at PUV operator sa panahon ng krisis tulad ng kinakaharap nila ngayon,” patuloy niya.

Ayon kay Poe, hindi pa naipapamahagi ang naturang halaga habang nakikisagupa ang bansa sa krisis na hindi matatawaran kayat hindi natin maunawaan ang pagkakaantala sa pamamahagi ng fuel subsidy.

“Inuulit natin ang ating panawagan sa executive department, particular sa Department of Finance, na suspendihin ang excise tax sa gasoline at produktong petrolyo sa sapat na panahon hangang maging normal muli ang pandaidigang pamilihan. Isinulong natin ang katulad na adhikain sa huling KOngreso at gagawin ulit natin ito kung kinakailangan sa susunod,” ayon kay Poe.

“Pero habang nagpapahinga ang lehislatura, dapat ibsan ng executive department ang paghihirap n gating PUV drivers at operators. Gobyerno lamang ang maaaring sandalan ng ating mga tsuper sa pagharap nila sa krisis na ito. Habang may katotohanan na lubhang makakaapekto sa ating bansa kapag hindi natin nakamit ang revenue targets, ganun din ang transportation strike na lubhang magpaparalisa sa operasyon sa mga pangunahing lugar at mas malulugi pa tayo,” giit pa ng mambabatas. Ernie Reyes