LTFRB, ipinatawag ang Hype sa P2 per minute  charge

LTFRB, ipinatawag ang Hype sa P2 per minute  charge

July 18, 2018 @ 5:57 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Ipinatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Hype Transport Systems Inc. para ipaliwanag ang paniningil ng dagdag na pasahe.

Kasunod ito ng pag-ulan ng mga reklamo ng mga pasahero ng naturang Transport Network Company (TNC) dahil sa paniningil ng dagdag na P2.00 per minute sa kanilang travel time.

Nilinaw ng LTFRB na hindi awtorisado ang nasabing dagdag bayad na ipinatutupad ng Hype dahil ang pinagtibay lang nila ay ang P40.00 na flagdown rate at dagdag na P14.00 per kilometer charge sa bawat byahe.

Sa inilabas na show cause order, may limang araw lang ang Hype para ipaliwanag ang kanilang panig.

Kung hindi susunod ang nasabing TNC ay pwedeng makansela o makasuhan ang mga nasa likod ng Hype. (Remate News Team)