LTFRB kinwestyon sa dobleng singil na surcharge sa TNVS

LTFRB kinwestyon sa dobleng singil na surcharge sa TNVS

November 25, 2022 @ 6:25 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Kinwestyon ng isang grupo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagpayag na magkaroon ng dobleng singil sa surcharge sa kada kilometro at minuto sa byahe ng mga Transport Network Vehicle Service.

Dahil dito ay nais malaman ng Lawyers for Commuters Safety Protection sa pangunguna ng founder nito na si Ariel Inton, kung paano kinukuwenta ang ipinapataw na surge sa mga TNVS.

Kasabay ng pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, pinagpapaliwanag ang LTFRB at isang TNVS company dahil sa patuloy na paniningil ng mahal na pamasahe sa mga pasahero.

“Kinakailangan ipaliwanag yan, kahit nung nasa LTFRB ako yan ang hinihingi namin, how do you compute yung surge kasi ang sinasabi nila depende sa demand at supply ng sasakyan at a given time,” sinabi ni Inton.

“Kasi yung flagdown rate, at saka fare per minute at per kilometer klaro, pero pagdating sa surge times 2 nung per kilometer at per minute, how do you apply the surge?,” dagdag na tanong. RNT/JGC