LTFRB: Lahat ng ruta sa NCR na isinara sa pandemya bubuksan na

LTFRB: Lahat ng ruta sa NCR na isinara sa pandemya bubuksan na

September 28, 2022 @ 10:40 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bubuksan ang lahat ng mga ruta na mayroon bago pa ang pandemya sa Metro Manila sa mga pampublikong sasakyan bago matapos ang 2022, sinabi ng isang mambabatas noong Martes.

Inihayag ito ni Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez sa mga debate sa plenaryo ng Kamara sa 2023 budget ng ahensya ng Department of Transportation.

Si Martinez ang budget sponsor ng DOTr sa House of Representatives.

Maraming mga ruta ng PUV ang isinara mula noong magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Ito ay upang makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Ngunit nang lumuwag ang mga paghihigpit at muling nagpapatuloy ang mga klase sa personal, muling binuksan ng LTFRB ang mas maraming ruta ng PUV sa capital region

“Ang timeline at commitment ng LTFRB ay lahat ng mga ruta ng pre-pandemic ay bubuksan bago matapos ang taong ito,” ani Martinez.

Sa gitna ng pagkaantala sa pagpapatupad ng PUV modernization program, tiniyak ni Martinez sa mga operator na aayusin ang timeline nito.

“The timeline will be extended. Tuloy pa rin silang makaka-biyahe. Walang huhulihin… Modernization will push through. But given the delays, it will not be a burden to our jeepney drivers and other stakeholders to bear the brust of such. Makakatuloy silang makabiyahe at walang huhulihin,” ani Martinez.

“We would really appeal to the sensitivities of LTFRB na sana ‘yung mga prangkisa na ma-open nila bago mag-December,” paghihikayat pa ng mambabatas sa LTFRB. RNT