LTFRB maggagawad ng special permits sa mga piling bus para sa Semana Santa

LTFRB maggagawad ng special permits sa mga piling bus para sa Semana Santa

March 18, 2023 @ 10:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatakdang magbigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits sa mga piling bus sa Mahal na Araw, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Sinabi ng LTFRB na epektibo ang special permit simula March 31 hanggang April 17, 2023.

“May additional one week siya considering the holiday and remember it is already summer vacation for others so baka malate yung pagbalik ng ating mga kababayan,” pahayag ni LTFRB technical division head Joel Bolano.

Sa bisa ng special permit, mas maraming bus ang papayagan na bumiyahe sa mga probinsya sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero para sa Semana Santa. Inaasahan din nga ahensya na mas marami ang bibiyahe ngayong taon dahil sa pagluluwag sa travel restrictions. 

“Relaxation of travel restrictions and opening of economic activities… It is expected that more travelers are expected to go home to the provinces to take advantage of the five-day long break,” pahayg ni LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III.

Halos 600 bus ang nag-apply para sa special permit.

Mas magiging mahaba ang walang pasok ngayong Holy Week matapos ilipat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Araw ng Kagitingan holiday sa Lunes, April 10. RNT/SA