LTFRB naglaan ng P3B para sa fuel subsidy ng PUV drivers

LTFRB naglaan ng P3B para sa fuel subsidy ng PUV drivers

January 28, 2023 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naglaan ang pamahalaan ng halos P3 bilyong halaga ng fuel subsidy para sa public transport drivers, ayon sa opisyal mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Biyernes.

Hindi pa malinaw kung ilang driver ang mabebenepisyuhan nito, dahil susundin ng LTFRB at transportation department ang guidelines mula sa national spending plan, ani Joel Bolano, pinuno ng technical division ng ahensya.

“Well doon po sa batas, sa GAA, ang nakalagay po doon is PUV – walang nakalagay na driver,” ani Bolano sa public briefing.Ā 

“So basically ang talagang tinitingnan natin dito lalo na po iyong sa LTFRB, iyon pong mga PUV na may mga franchises. So iyon ā€˜yung mga identified – kung sino po iyong mga drivers noon, sila po ang makikinabang noon,” dagdag niya.

Nang tanungin sa posibilidad na makatanggap nang direkta ang mga driver ng fuel subsidy, sinabi niya na sumusunod lamang ang LTFRB at DOTr sa batas.

“But again, we will inform the DOTr and LTFRB about it. That is the process,” ani Bolano.Ā 

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno at ng palasyo na makatatanggap pa rin ang public transport drivers ngfuel subsidies sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. subalit gagawin itong mas “targeted.” RNT/SA