LTFRB naglabas ng P445M para sa libreng sakay sa EDSA

LTFRB naglabas ng P445M para sa libreng sakay sa EDSA

August 1, 2022 @ 6:16 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakatanggap na ang bus operators na nagbibigay ng libreng sakay sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Busway ng P445.66 milyong kompensasyon sa ilalim ng third phase ng Service Contracting Program (SCP).

Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Cheloy Garafil nitong Lunes na bayad ito sa ika-anim hanggang ika-13 linggo ng SCP Phase 3, habang ang bayad sa weeks 14 at 15 ay pinoproseso pa.

“The agency is now in close coordination with the public utility bus (PUB) consortia operating the EDSA Busway to begin processing of payments for week 16, which ended last week,” sabi ni Garafil.

Matatandaang nagreklamo ang PUB bus drivers at operators sa late payment sa ilalim ng programa, na nauna nang tiniyak ni Garafil na pabibilisin ang paglabas ng bayad kapalit ng pag-maximize sa deployment ng mga bus tuwing rush hours.

“LTFRB will continue to address issues and concerns with regard to the current public land transportation system in line with the mandates of the new administration to improve the lives of our operators & drivers and the commuting public,” aniya. RNT/SA