LTFRB oks sa bus fare hike petition

LTFRB oks sa bus fare hike petition

August 11, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pabor ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpayag sa petisyon ng mga operator na taasan ang pamasahe para sa public utility buses, subalit ikokonsidera ang patnubay mula sa National Economic and Development Authority (NEDA) upang tiyakin ang pagkakabalanse ng kapakanan ng mga driver at operator at ng mga commuter.

“The last bus fare increase was in 2018 and the diesel then was just P44, so we recognize there is a need for an increase but how much, of course, we will have to see what the NEDA will say,” ani LTFRB chairman Cheloy Garafil kasunod ng ikalawang hearing ng ahensya sa petisyon para sa fare hike sa public utility buses.

Isinagawa ang unang hearing noong Hulyo 28, 2022.

Tinatalakay ng LTFRB ang petisyon ng Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panglalawigang Bus sa Pilipinas, at Samahang Transport Operators ng Pilipinas Inc., na humihiling ng P20 minimum fare para sa unang limang kilometro sa air-conditioned buses mula sa P13, at karagdagang P3.40 kada kilometro pagkalampas ng limang kilometro.

Nananawagan din ang petisyon para sa pagtataas ng minimum fare sa ordinary buses mula sa P11 sa P15, na may P2.70 charge kada kilometro.

Para naman sa provincial PUB, hiniling ng petitioners ang P15 minimum fare sa ordinary buses na may charge na P2 kada kilometro. Sa air-conditioned PUB, ang charge ay P2.50 kada kilometro para sa regular air conditioned buses, P2.60 kada kilometro para sa De Luxe, P2.70 kada kilometro para sa Super De Luxe, at P3.60 kada kilometro para sa Luxury.

Sinabi ni Garafil sa hearing, ang posisyon ng presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na si Atty. Ariel Inton ay pumayag sa P2 increase sa bus fare para sa unang limang kilometro subalit ang fare hike para sa succeeding ay hindi dapat payagan dahil makaaapekto ito sa mga pasahero.

“That’s why, we want to see the effect of this based on the NEDA study on the effect of incremental fare increases per succeeding kilometers,” ani Garafil.

Inihayag ng LTFRB chief na ang ikalawang hearing ang huling hearing na isasagawa ng ahensya para sa bus fare hike petition, at sinabing hinihintay ng regulatory body ang posisyon ng NEDA bago ituring ang petisyon na “submitted for resolution.”

Ayon kay Garafil, inaasahang isusumite ng NEDA ang pag-aaral sa susunod na linggo.

“We need the position of the NEDA because the LTFRB doesn’t want to add on the inflation as any increase, although minimal, still has an effect that’s why we need the guidance of the NEDA on this,” aniya.

“We will balance it out… because we cannot just side with one party, we have to balance. While we recognize that oil prices have increased since the last fare hike for buses, we also recognize this will have an impact on passengers. That is why we are very very careful in crafting a resolution for this case,” dagdag niya.

Inihayag ng LTFRB chief na ang pagtataas ng pamasahe sa bus ay makatutulong sa mga operator dahil “many of them are out of business because of high prices of fuel and there are routes which were cut, so this will help them.”

“Our primary consideration is to get a balance on how to help them [bus operators] at the same time it won’t be too burdensome for passengers,” sabi niya. RNT/SA