LTFRB sa operators: P7,200 fuel subsidy ng PUJ drivers ibigay

LTFRB sa operators: P7,200 fuel subsidy ng PUJ drivers ibigay

November 25, 2021 @ 11:49 AM 3 days ago


Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang public utility jeepney (PUJ) operators na ibigay ang Pantawid Pasada Program (PPP) cards sa mga drayber kung saan naka-credit ang P7,200 fuel subsidy.

“However, ang nagmamaneho naman ang gumagastos ng krudo, so karapat-dapat lang na ‘yung cards na ‘yan maibigay ‘yan sa drivers kasi ito pong Pantawid Pasada Program or fuel subsidy ay para po ito sa mga bumibili ng krudo sa kanilang araw-araw na pamamasada,” saad ni LTFRB chairman Martin Delgra III sa panayam ng GMA.

Na-credit na aniya ng Landbank ang nasa P7,200 fuel subsidy sa 85,000 active PPP cards at maglalabas pa ng 50,000 cards.

“Sa pangkalahatan po, we have determined all across the country mga 136,230 units for this year. So, meron tayong mga active cards of 85K, ‘yung remaining number, Landbank has committed to print the remaining card of something like 50-51K cards at maibahagi na rin ito sa wala pang cards para paggagamitan po ito doon sa mga participating gas stations.”

 “We share the appeal and in fact, meron pong panukala noong merong budget deliberation of the DOTr noong Lunes, may panukala ‘yung Senado na dagdagan ‘yung pondo sa susunod na taon under this fuel subsidy program at isali ‘yung ibang modes of public transport and we fully support that move,” dagdag pa nito. RNT/FGDC