LTFRB sa PUV drivers: Fare hike gugulong sa Oct. 3

LTFRB sa PUV drivers: Fare hike gugulong sa Oct. 3

September 21, 2022 @ 5:00 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) nitong Martes sa public utility vehicle (PUV) drivers laban sa pagkasa ng aprubadong fare hikes nang mas maaga sa Oktubre 3.

Kasunod ito ng pagkakatanggap ng LTFRB ng mga reklamo na ilang PUV drivers ang naniningil na ng mas mataas na pamasahe kahit na wala pang fare matrix guide mula sa LTFRB.

Inihayag ng LTFRB na epektibo ang taas-pasahe sa PUVs sa Oktubre 3, o 15 araw matapos mailathala ang naaprubahang board resolutions sa fare hike.

Magkakaroon naman ng penalty ang PUV drivers at operators na nagkasa ng fare hikes nang mas maaga sa effectivity date.

Para sa unang offense, ang PUV operator o driver ay pagmumultahin ng P5,000; P10,000 para sa ikalawang offense; at P15,000 at kanselasyon ng prangkisa sa ikatlo at huling offense. RNT/SA