LtGen Roberto Ancan bagong Sgt-At-Arms ng Senado

LtGen Roberto Ancan bagong Sgt-At-Arms ng Senado

August 1, 2022 @ 7:00 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inihalal ng Senado si Lieutenant General Roberto Ancan, dating AFP Central Command bilang hepe ng Senate Sergeant-at-Arms sa ginanap na plenaryo nitong Lunes, Agosto 1.

Papalitan ni Ancan si retired Major General Rene Samonte.

Base sa records ng plenaryo nitong Lunes, si Senador Ronaldo dela Rosa ang nag-isponsor ng nominasyon ni Ancan sa ginanap na sesyon.

Sa kanyang nominasyon, binanggit ni Dela Rosa ang katapangan ni Ancan laban sa New People’s Army (NPA) na literal na umako ng bala para sa kanya.

Pinakamataas na ranggo si Ancan sa lahat ng nahalal ng hepe ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Tubong Victorias, Negro Occidental si Ancan na naitalaga bilang Cebu commander, dating hepe ng 1st Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Zamboanga del Sur noong February 2019.

Naitalaga din siya bilang commander ng 1002nd Infantry Brigade at hepe ng AFP Peacekeeping Operations Center, na kung saan pinamahalaan ang isang yunit na nakatalaga sa United Nations peacekeeping missions.

Miyembro si Ancan ng Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.

Nagtapos si Ancan ng Basic Airborne, Scout Ranger, Field Artillery, Explosive Ordnance and Disposal, at Peacekeeping courses. Ernie Reyes