LTMS portal balak alisin kontra fixers – LTO chief

LTMS portal balak alisin kontra fixers – LTO chief

October 1, 2022 @ 10:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinokonsidera ng Land Transportation Office ang abolisyon ng Land Transportation Management System, na umano’y ginagamit ng fixers upang mag-renew ng lisensya ng ibang indibidwal.

Sa hearing ng Senate Committee on Finance sa proposed P167.12-billion budget ng Department of Transportation(DOTr) sa 2023, sinabi ni LTO chief Teofilo Guadiz III na 75 sa 80 porsyento ng mga nagte-test sa LTMS ay maaaring mga indibidwal na pumapalit sa mga nagre-renew ng kanilang lisensya.

“In most of these cases, I would say 75 to 80 percent, it is another person who is taking the seminar, it is another person who is taking the examination. We feel that this is reprehensible,” ani Guadiz sa Senate panel.

“So we are evaluating this and my inclination is just to totally abolish this portal,” dagdag niya.

Sa ilalim ng kasalukuyang set-up, sinabi ni Guadiz na walang facial recognition system sa LTO upang beripikahin na ang mga indibidwal na nagre-renew ng kanilang lisensya ang sila mismong sumasailalim sa seminar o kumukuha ng pagsusulit.

“Kulang lang yung app ng facial recognition to effectively use the portal. If that feature is added, hindi na pwedeng mandaya dahil dapat kitang kita nung portal yung nag-eexam,” sabi ni Guadiz.

“We’re in that process now of developing this facial recognition not only in this portal in renewing drivers’ license but our future plan is the driver license renewal will now be done online,” patuloy niya.

Hiniling naman ni Senator Grace Poe sa LTO na magsumite sa progress report sa LTMS.

Sinisilip din ng LTO ang pagbawas sa 15-hour theoretical seminar para sa license applicants sa pitong oras, base kay Guadiz.

Kinuwestiyon naman ni Poe ang extensive requirement para sa theoretical seminars.

Iginiit niya na alinsunod lamang ito sa alituntunin ng LTO subalit hindi ng batas.

Inihayag pa ni Guadiz na binuksan na ng LTO ang isang technical working group upang tugunan ang isy. Sumang-ayon siya na masyadong mahaba ang 15 oras lalo na para sa may mga trabaho.

“We feel that 15 hours may be a little long and we feel that three days of seminar maybe quite [extensive], especially for those working people,” pahayag ni Guadiz.

“I’m looking at the possibility of reducing it to as much as seven hours for theoretical (seminar). However, for the practical, I still subscribe that eight hours of lesson is needed [due to] the continuing crashes in the road,” dagdag niya.

Ayon pa kay Guadiz, nakikipag-usap na ang LTO sa driving schools upang makapagtalaga ng tamang bilang ng oras. RNT/SA