LTO backlog sa motorcycle license plates, 11M pa; driver’s license, 92K

LTO backlog sa motorcycle license plates, 11M pa; driver’s license, 92K

December 8, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Mayroong 11 milyong motorcycle license plates at 92,000 driver’s licenses na hindi pa naiisyu sa recipients, ayon sa Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Jose Arturo Tugade na ilan sa mga rason sa backlogs sa pag-imprenta ng driver’s licenses ang depektibong laser engraving machines sa ilan sa district at extension offices sa mga lalawigan.

“Ang fault naman po ng ahensya natin is hindi tayo nagkaron ng mga sufficient stock para ma-address ‘yung mga potential future breakdown ng mga equipment natin,” aniya.

Sinabi ni Tugade na inaasahang makukumpuni ang mga sirang makina bago sumapit ang Pebrero 1, 2023.

Habang hindi pa naipalalabas ang driver’s license cards, sinabi niya na pansamantalang nagbibigay ang LTO offices ng temporary licenses sa papel.

Inihayag din niya na may backlogs ang LTO sa replacement plates. RNT/SA