LTO chief handang humarap sa Senado sa IT issue

LTO chief handang humarap sa Senado sa IT issue

August 18, 2022 @ 7:51 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakahandang makipagtulungan ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa report ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa umanoy “undue payments” o hindi karapat-dapat na pagbabayad ng ahensiya sa isang joint venture sa ilang IT provider hinggil sa P3.19-billion Road IT Infrastructure project.

“We will fully cooperate with the COA. The LTO is committed to comply with whatever requirements the COA may put forth in order to shed light on details regarding the project,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.

Kaugnay nito, handa rin na humarap sa pagdinig sa Senado ang LTO matapos na hilingin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang imbestigasyon sa Senate blue ribbon committee sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 147 nitong Martes.

Sa kanyang resolusyon, binanggit ni Pimentel ang report ng Commission on Audit (COA) na nagpapakitang nagbayad nang hindi karapat-dapat ang LTO sa dayuhang IT provider na Dermalog sa kabila nang kulang ang turnover deliverables sa P3.19-billion Road IT Infrastructure project.

“We would be more than willing to answer truthfully all questions regarding the matter,” saad pa ni Guadiz.

“The LTO is one with any person or institution in finding out the truth in the spirit of transparency and accountability. What we can also assure is that the LTO will remain cautious in entering into contracts and efficient in the delivery of service to the motoring public,” dagdag pa ng LTO chief. Jan Sinocruz