LTO enforcer na sinagasaan binigyan ng pagkilala

LTO enforcer na sinagasaan binigyan ng pagkilala

October 26, 2022 @ 1:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinanggap ni Field Enforcement Division, Law Enforcement Service, Butch S. Sebastian ang Certificate of Commendation mula kay Land Transporation Office (LTO) Chief Teofilo Guadiz III dahil sa natatangi
nitong paglilingkod sa kanyang tungkulin bilang Law Enforcer Officer.

Ito ay kaugnay ng insidente kung saan sinagasaan si Sebastian ng isang SUV driver na gumamit ng wangwang at blinker habang nagmamando ng trapiko sa bahagi ng EDSA busway sa Caloocan City nitong Oktubre 14.

Base sa paunang imbestigasyon, ang driver ay nakilalang si Felix
Malapitan Luakin Jr. na napag-alamang pinsan ni Caloocan City Mayor
Dale Gonzalo ‘Along’ Malapitan.

Si Luakin ay papadalhan ng Show Case Order maging ang rehistradong
may-ari ng sasakyang Ford Everest na may plakang C4 N604.

Umapela si Sebastian sa mga motorista na respetuhin ang mga batas
trapiko gayundin ang mga traffic enforcer na nagpapatupad ng batas.

Larawan kuha ni Jojo Rabulan