LTO enforcers hi-tech na sa pag-isyu ng tiket!

LTO enforcers hi-tech na sa pag-isyu ng tiket!

January 31, 2023 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Uumpisahan ng Land Transportation Office (LTO) na gumamit ng automated handheld device para sa pag-isyu ng ticket sa traffic violators sa susunod na linggo.

Ayon sa ulat, ilalagay ng LTO traffic enforcers sa National Capital Region at iba pang lugar sa buong bansa ang impormasyon at violation ng motorista sa isang device.

Maglalabas naman ang device will ng resibo na ipakikita ng mga motorista sa LTO office kung saan sila magbabayad ng traffic fine. Mayroon silang 15 araw para magbayad.

Sa ulat, makikita ang isang enforcer na ini-scan ang fingerprint ng motorista para beripikahin ang kanyang lisensya, at inilalagay ang license plate number ng sasakyan sa device. Kapag nailagay na ang violation ng motorista, tsaka maiimprenta ang ticket. Sakaling mawalan ng internet connection, sinabi ng enforcer na tsaka sila gagamit ng manual na pagti-ticket.

“Hindi na po pwedeng i-edit, so talagang pag napasok na po iyan [the information], hindi na pwedeng ma-‘negotiate’ yung infraction ng erring motorist,” ani LTO chief Jose Arturo Tugade.

Kasalukuyang limitado ang kagamitan sa LTO enforcers, subalit gagamitin din ito ng enforcers ng local governments sa Metro Manila kapag naipasa ng Metro Manila Council ang traffic code para payagan ang single ticketing system at parehong multa para sa violations sa mga lungsod sa National Capital Region.

“Sa ngayon po, kukumpiskahin pa namin ang lisensiya, dahil nasa testing po tayo,” aniya.”Pagka meron na po tayong payment gateway, tapos ang option ng motorista ay bayaran on the spot, at pwede na nilang bayaran iyong pagka na activate na natin ‘yung second phase ng programa.” RNT/SA