LTO mas maghihigpit vs overloading

LTO mas maghihigpit vs overloading

November 18, 2022 @ 3:27 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpalabas ng direktiba ang The Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes, Nobyembre 18 na mas magpapaigting ng kampanya ng ahensya laban sa overloading ng mga sasakyan.

Ayon sa probisyon ng Land and Transportation Code, ang sinumang lalabag dito ay magbabayad ng P1,000 plus 25% ng motor vehicles user charge.

“We will continue to build up on our objective of ridding our roads of overloaded trucks because they present direct danger against other vehicles plying our roads,” pahayag ni bagong LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade.

“Our operations against overloaded vehicles will continue without letup so that those violators will learn to respect our laws on road safety,” dagdag pa niya.

Nitong Huwebes lamang ay mayroong 15 trak ang nahuli sa paglabag sa Anti-Overloading Act of 2000 sa Tabang Weighbridge Station, Guiguinto, Bulacan.

Binigyan ng tiket sa paglabag sa Land Transportation Code ang tatlo iba pang sasakyan. RNT/JGC