LTO muling nagbabala vs online fixers

LTO muling nagbabala vs online fixers

July 9, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling nagbabala ang Land Transport Office (LTO) sa mga online fixers matapos nitong ianunsyo ang pagkakaaresto ng ilang indibidwal na nag-aalok ng serbisyo para sa non-appearance renewal ng motor vehicle registration sa social media.

Inihayag ni LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz nitong Biyernes na ang ahensya “will relentlessly operate against these spurious individuals in [its] effort to clean up the bureaucracy to protect [its] clients.”

Inabisuhan din niya ang LTO clients “to refrain from patronizing fixers for [their] own protection” dahil maaari rin silang managot alinsunod sa batas.

Nakipagtulungan ang LTO nitong Miyerkules sa Quezon City District – Anti-Cybercrime Team (QCD – ACT)  upang hulihin sina Jefferson Uy, 38, at Arnel Miranda, 55,na umano’y nag-aalok ng nasabing iligal na serbisyo.

Kasalukuyang hawak ng QCD – ACT ang mga suspek. Sasailalim sila sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutor’s Offices a paglabag sa Revised Penal Code on Estafa or Swindling at Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018. RNT/SA