LTO nag-isyu ng show cause order vs driver, may-ari ng SUV na sangkot sa hiwalay na aksidente sa P’que

LTO nag-isyu ng show cause order vs driver, may-ari ng SUV na sangkot sa hiwalay na aksidente sa P’que

September 27, 2022 @ 5:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga drayber at may-ari ng dalawang SUV na nasangkot sa magkahiwalay na aksidente sa Paranaque City kamakailan.

Nilagdaan na ni Atty. Clarence Guinto, acting Director ng LTO Law Enforcement Service (LES) at Regional Director ng LTO-National Capital Region (LTO-NCR), ang mga show cause order para ihain kina Raymond Zaparin, Rodolfo Cudiamat at Visitacion Hugo.

Si Zaparin ang sinasabing drayber at may-ari ng SUV na may plakang UXO-295 na nakasagasa umano sa babaeng streetsweeper sa Elizalde Avenue kanto ng Aguirre Avenue, Barangay BF Homes nuong Setyembre 24, 2022.

Si Cudiamat naman ang drayber habang si Hugo ang may-ari ng SUV na may plakang NCV-4752 na nasangkot sa hi -and-run sa dalawang bata sa bahagi ng Bodoni Street kanto ng Extra Street, 4th Estate, Barangay San Antonio noong Setyembre 20.

Ang insidente ay nagresulta sa pagkasawi sa isa sa mga bata na tatlong taong gulang at ikinasugat pa ng kasama nito.

Labis na ikinalungkot at mariing kinukondena ng LTO ang mga nasabing insidente.

“The LTO is appalled by the seeming callousness and recklessness of some drivers plying our roads today. The Agency therefore condemns in the strongest possible terms the actions of these drivers, who apparently showed indifference and were seen to be adamant in denying any wrongdoing on their part,” pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III.

“Are our streets already this dangerous? Is it because of the presence of ill-disciplined drivers who seem to have utter disregard of our traffic laws that were placed for the safety of both drivers and pedestrians? How many lives, particularly that of children, will be placed in danger because of these perennial road safety violators,” sabi pa ni Guadiz.

“I believe it is about time we revisit our current laws on road safety and the penalties accorded thereto to give it more teeth in order to weed out these ‘bad egg’ drivers,” dagdag ng LTO chief.

Pinahaharap sa tanggapan ng LTO-NCR ang mga respondent upang paliwanag kung bakit hindi dapat masuspindi o ma-revoke ang rehistro ng kanilang mga sasakyan at lisensya sa pagmamaneho bunsod ng mga sinasabing paglabag sa batas-trapiko kabilang ang Improper Person to Operate a Motor Vehicle, Reckless Driving, Abandonment of Victim, at iba pang regulasyon.

Kaugnay pa nito, tiniyak ni Guadiz na sakaling matukoy na guilty o mapatunayang lumabag ang mga respondent ay hindi na sila mapapayagan na makakuha ng lisensya sa pagmamaneho at hindi na makakapagmaneho ng ano mang uri ng sasakyan. Jan Sinocruz