LTO nagbabala vs fixers, scammers sa FB

LTO nagbabala vs fixers, scammers sa FB

June 3, 2021 @ 10:48 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Office (LTO) sa publiko sa paglalahad ng kanilang mga personal na impormasyon sa social media partikular na sa scammers at fixers na nag-aalok ng lisensya nang walang exam.

Sa kalatas, ibinabala ng LTO specifically ang page na @OfficialLTOlicenseassistance o LTO License Assistance Center na naniningil ng PHP3,500 hanggang PHP6,500.

“These scammers are encouraging fixing through non-taking and non-appearance in the driver’s license exam,” saad ng LTO.

 “Thus, a motorist who is caught possessing a fake license will be meted with stiffer penalties.” RNT/FGDC