LTO pinakokomento ng SC sa NCAP

LTO pinakokomento ng SC sa NCAP

August 16, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinagpapliwanag ng Supreme Court (SC) ang Land Transportation Office (LTO) at limang local government units (LGUs) sa Metro Manila kaugnay sa petisyon ng transport groups laban sa no-contract apprehension policy (NCAP).

Sa en banc resolution, inatasan rin ng SC ang LTO at mga LGUs na magkomento kung bakit hindi dapat patawan ng temporary restraining order (TRO) ang NCAP.

Inatasan ng SC ang mga respondent na ihain ang kanilang komento sa loob ng sampung araw.

Una nang igibiit ng mga transport groups na hundi naaayon sa batas at hindi balido ang NCAP.

Nakasaad sa petition ng transport groups na ang ordinansa ng mga LGU ay paglabag sa mga uniiral na batas kung saan walang inihahayag tungkol sa pagpapatupad ng no-contact apprehension. Teresa Tavares