Lucban healing priest, nagka-COVID sa sinimot na wine

Lucban healing priest, nagka-COVID sa sinimot na wine

June 3, 2021 @ 12:10 PM 2 years ago


LUCENA CITY— Sapul ng COVID-19 ang tinaguriang healing priest na si Fr. Joey Faller na nakabase sa Lucban, ayon ito sa kanyang anunsyo sa Facebook video.

Ayon sa kanya na posibleng nakuha niya ang COVID-19 sa isang misa noong Mayo 27 kasama ang isang obispo.

“So, when the wine was being given (during the Mass), I drank his (bishop) leftover wine without thinking that he could be COVID positive. Sadly, the visiting bishop was COVID positive,” paliwanag ni Faller.

Hindi na niya pinangalanan ang obispo.

Si Faller ang namamahala sa “Kamay ni Hesus Grotto,” na nag-anunsyo rin ng pagsasara ng “Kamay ni Hesus Healing Church” (KNHHC) mula Hunyo 3 hanggang 10 para sa isasagawang disinfection.

“In compliance with existing health protocols, the KNHHC shall conduct cleaning and disinfection measures within the premises during the said period,” ayon sa anunsyo.

 Kwento ni Faller, nakaramdam siya ng kakaiba sa kanyang katawan kasabay ng pagkawala ng pang-amoy at panlasa. Nakaranas umano siya ng ubo, sipon, lagnat, at pananakit ng katawan.

Sa ngayon ay mayroon umano siyang “mild” symptoms ng COVID-19.

“I believe God is here to protect me. God is here to heal me. God is here to bless us all. He can transform our COVID-19 experience into healing,” dagdag pa ng pari.

Dagdag pa niya na nabakunahan na rin siya ng unang dose ng AstraZeneca at nakatakdang bakunahan sa Hunyo 14. RNT