Lucky Me! products sa Pinas ‘di kontaminado ng ethylene oxide – DOH

Lucky Me! products sa Pinas ‘di kontaminado ng ethylene oxide – DOH

July 9, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi kontaminado ng ethylene oxide ang Lucky Me! Instant noodles na gawa sa bansa, base sa resulta ng isinagawang preliminary investigation ng Food and Drug Administration (FDA), ayon sa Department of Health (DOH)

ā€œBase sa kanilang pagkakasuri at pag-iimbestiga ay hindi po apektado iyong production ng ating food product na ito dito po sa ating bansa,ā€ sabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ang Lucky Me! Instant noodles na Philippine-based at gawa ng Nissin Monde ay may mga ilang variant na kinailangang i-hold sa European countries dahil sa sinasabing kontaminasyon..

Pero sa Pilipinas, tiniyak ng DOH na hindi apektado ng naturang kemikal ang nasabing mga instant noodles.

Una na ring itinanggi ng Nissin Monde ang pagkakaroon ng ethylene oxide sa kanilang produkto dahil ito ay rehistrado ng Philippine- FDA. Jocelyn Tabangcura-Domenden