Lugar na may mga POGO, casino, may pinakamaraming kidnapan – PNP

Lugar na may mga POGO, casino, may pinakamaraming kidnapan – PNP

September 25, 2022 @ 10:46 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Napag-alaman ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) na nangyayari sa mga lugar na may Philippine Offshore Gaming Operators at casino establishments ang pinakamarami sa mga kidnapping incidents na naitatala sa National Capital Region.

Ito ang sinabi ng PNP-AKG nitong Sabado, Setyembre 24 kasabay ng virtual press briefing nito kasama ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).

Ayon kay PNP-AKG Deputy Director for Operation Col. Ericson Dilag, nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng dukutan ay ang mga lungsod ng Pasay, Makati at Paranaque.

“Incidentally, these cities host most of the POGO and casino establishments in the country,” pagdidiin ni Dilag.

Maliban dito, mula Enero 2021 hanggang Setyembre 2022, 60 sa 83 mga biktima ng kidnapping incidents ay mga Chinese.

Ang natitirang 18 na mga biktima naman ay pawang mga Filipino-Chinese at iba pang mga lahi.

Sa ngayon ay patuloy na tinututukan ng PNP ang mga ganitong insidente. RNT/JGC