Lugar na naka-granular lockdown sa bansa 489 na lang

Lugar na naka-granular lockdown sa bansa 489 na lang

February 5, 2022 @ 3:08 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bumaba na sa 489 ang lugar na naka-granular lockdown dahil sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na 391 lugar ang naka-lock down sa Cordillera Administrative Region habang 81 sa Region 2.

Habang may kabuuang 97,336 indibidwal sa bansa ang nabigyan ng babala habang 10,000 ang lumabag sa protocol sa restriksyon ng granular lockdown.

Habang sa National Capital Region, halos 12,000 indibidwal ang nabigyan ng babala habang 3,600 ang napagmulta. RNT/FGDC