Lugar na naka-granular lockdown sa bansa, bumaba na sa 556 — PNP

Lugar na naka-granular lockdown sa bansa, bumaba na sa 556 — PNP

January 27, 2022 @ 2:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Bumaba na sa 556 mula 790 ang mga lugar sa bansa na naka-granular lockdown, batay sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos, 334 lugar dito ay galing sa Cordillera; 138 sa Cagayan; 49 sa National Capital Region; 19 sa Mimaropa; at 16 sa Zamboanga.

May kabuuan namang 38,027 katao ang apektado ng restriksyon.

Samantala, naideploy na ng PNO ang 190 personnel at 386 force multiplier sa mga lugar na naka-lockdown. RNT/FGDC