Lugar na naka-granular lockdown sa bansa lumobo na sa 765 — PNP

Lugar na naka-granular lockdown sa bansa lumobo na sa 765 — PNP

January 19, 2022 @ 5:32 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na pumalo na sa 765 ang lugar na naka-lockdown sa bansa.

Sa datos ng PNP data, 272 ng locked-down areas ay nasa National Capital Region;  205 sa Cagaya; 185 sa Cordillera; 70 sa Ilocos; 18 sa Mimaropa; at 15 sa Western Visayas.

May kabuuan namang 2,009 ang apektado sa granular lockdowns.

Naideploy na rin ang 496 personnel at 969 force multipliers sa locked-down areas upang matiyak ang kaligtasan at pagsunod sa health protocols. RNT/FGDC