Lugar na nakasailalim sa granular lockdown, 170 na — PNP

Lugar na nakasailalim sa granular lockdown, 170 na — PNP

January 12, 2022 @ 9:12 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Malaki ang naging pagtaas ng bilang ng mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown, ayon sa Philippine National Police (PNP), Miyerkoles.

Sa tala ng kapulisan, mula sa 116 lang nitong Martes ay sumipa ito sa 170.

Sa datos ng PNP, kabilang dito ang 94 lugar na naiulat sa National Capital Region (NCR); 57 sa Cagayan; 13 sa Ilocos; lima sa Mimaropa; at isa sa Cordillera.

Nasa 702 indibidwal naman ang apektado ng granular lockdowns.

Dahil dito, aabot sa 217 PNP personnel at 274 force multipliers ang ipinakalat para masigurong masusunod ang minimum health standards sa mga kinandadong lugar.

Ang granular lockdown ay maaaring ipatupad sa bahay, compound, kalye o building na may mataas na hawaan ng COVID-19.

Nitong Martes nang humigit sa 3 milyon na ang naitatalang COVID-19 cases sa bansa. RNT