Lugaw, umaapaw sa sustansiya

Lugaw, umaapaw sa sustansiya

June 10, 2018 @ 11:26 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Kahit na natural na mainit sa Pilipinas, hindi pa rin nito mapipigilan ang mga Pinoy sa pagkahilig sa sabaw o soup, tulad na lamang ng Nilaga, Kare-kare, Tinola at marami pang iba. Ngunit kung ang pag-uusapan ay simpleng lasa at abot kaya, nangunguna lagi sa listahan ang Lugaw.

Ang lugaw ay gawa sa malagkit na bigas, ginisang bawang, sibuyas at luya. Madalas itong inihahanda sa mga taong may sakit ngunit maari ring ma-enjoy bilang almusal, meryenda o sa kahit anong mang oras.

Maraming version ang lugaw gaya nalamang ng Arroz Caldo, mula ito sa Espanya na nangangahulugang “hot rice”. Ang pinagkaiba lamang nito sa normal na lugaw ay ang mga sahog o toppings gaya ng manok o itlog depende na rin sa inyong gusto.

Benepisyo na makukuha sa lugaw

Sa unang tingin, ang lugaw ay isa lamang pangkaraniwang pagkain ngunit kung tutuusin, ito ay puno ng healthy fiber at micronutrients na makabubuti sa ating katawan.

Low calories

Para sa mga nagbabawas ng timbang, isa ang lugaw sa mga maaring isama sa inyong diet menu. Ang isang tasa nito ay mayroon lamang 159 calories na sapat upang makakadagdag sa iyong energy para sa isang araw. Makakakuha ka rin dito ng kaunting protein at healthy fat.

Siksik sa Fiber

Importante ang fiber para sa regular digestion ng katawan. Ito ay makatutulong upang maiwasan ang constipation. Dahil ang lugaw ay may malaking porsyento ng fiber, madali nitong pinupuno ang ating tiyan ng hindi dinadagdagan ang ating calories intake.

Ang lugaw isang tasa ng lugaw ay  kayang mag-supply ng 4 grams ng fiber na katumbas ng 15% na kailangan ng katawan para sa mga kababaihan at 10% naman para sa kalalakihan.

Diet Friendly

Dahil sa taglay nitong simpleng lasa, maari itong ibagay sa maraming klase ng diet food. Maari itong lagyan ng nilagang manok, itlog o kahit anong toppings depende sa iyong naisin.

Narito ang recipe ng Plain Lugaw na perfect anytime para sa iyong pamilya:

Mga Ingredient:

Pamintang pino

1tsp bawang (chopped)

1tsp luya (Sliced)

½ Sibuyas (chopped)

6 cups tubig

1 cup malagkit na bigas

½ tbsp. mantika

1 tsp patis

1 maliit na itlog (optional)

 

Paraan ng pagluluto:

  1. Igisa ang bawang, sibuyas at luya sa mantika.
  2. Idagdag ang patis at paminta.
  3. Ihalo ang 6 cups ng tubig at pakuluin.
  4. I-check muna ang fb kung may nagchat. Bisitahin din ang Remate website para sa mga bagong balita.
  5. Hugasan ang malagkit na bigas at ihalo ito kapag kumukulo na.
  6. Iluto ito ng mga 30 minuto hanggang sa lumambot na ang bigas. Dagdagan ang tubig kung kinakailangan.
  7. Pagluto na, maari na itong lagyan ng itlog o kahit anong toppings na gusto mo.
  8. Kuhanan ito ng picture at i-post sa Instagram #MadewithLove. (Remate News Team)