Luis at Jessy, nag-“babymoon” sa Singapore!

Luis at Jessy, nag-“babymoon” sa Singapore!

October 17, 2022 @ 7:55 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Kailan lang nalaman ni Jessy Mendiola ang ibig sabihin ng salitang “babymoon.”

Ang alam naman kasi ng lahat ay honeymoon o pulotgata for couples.

Nito lang naging aware si Mrs. Manzano that babymoon is a relaxing and romantic vacation of parents-to-be before the baby is born.

Ilang buwan na lang kasi ay isisilang na ni Jessy ang firstborn nila ni Luis Manzano na si Baby Peanut.

Dahil technically, wala naman silang pulotgata ni Luis after their garden wedding in Lipa last year, the couple opted to go on a babymoon in Singapore.

Walang pakialam si Jessy na namili sa mga high-end stores tulad ng Hermes at Chanel sa kabila ng mga naglipanang horror stories.

Horror stories in the sense na maisasahalimbawa ang embarrassing experience ni Sharon Cuneta who was denied entry at a Hermes shop in Seoul.

At sa halip ngang sinturon lang ang bibilhin doon ng Megastar ay napabili siya ng kung anu- ano sa Louis Vitton.

In fairness, wala naman daw ganoong karanasan si Jessy in either shop.

Nag-splurge daw talaga siya on shopping dahil bukod sa investment naman daw ang nabili niya’y pinag-ipunan niya ang mga ito.

No, Jessy didn’t just buy stuff for herself.

Ibinili rin niya ng Hermes blanket si Baby Peanut.

Hindi malinaw kung ano naman ang binili ni Luis for the baby.

Mukhang paboritong pasyalan ng pamilya ni Luis ang Singapore.

Halos kailan lang, before his mom Vilma Santos-Recto fell ill, ay galing doon ang aktres kasama ang pamilya. Ronnie Carrasco III