Luis at Jessy, tinawag na Peanut ang kanilang baby!

Luis at Jessy, tinawag na Peanut ang kanilang baby!

August 24, 2022 @ 7:10 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Officially ay five months nang nagdadalantao si Jessy Mendiola.

And like any expectant mother, excited si Jessy na bigyan ng updates ang kanyang mga followers sa social media.

Wala ring inilayo ang mister niyang si Luis Manzano.

Sa picture na inilabas nila, mapapansing may porma na ang mukha ng baby na tinawag na Peanut ng couple.

Nag-thank you Lord pa nga si Luis dahil kamukha ni Peanut ang kanyang misis.

If five months nang preggy si Jessy, doing the math, posibleng sa December ang kabuwanan niya.

That means magiging maganda ang pagsalubong ng mag-asawa sa 2023 as Jessy might give birth latter part of December.

Samantala, nagpauna na ang lola ng baby na si Vilma Santos na hindi niya ii-spoil ang kanyang apo.

Mapanindigan kaya ‘yon ni Ate Vi? Ronnie Carrasco III