Luis, ‘di pinalampas ang basher ng face reveal ni Baby Peanut!

Luis, ‘di pinalampas ang basher ng face reveal ni Baby Peanut!

January 30, 2023 @ 6:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Damned if you do, damned if you don’t.

Ganito mismo ang sitwasyong kinapapalooban ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano pagkatapos ipinost ang picture ng kanilang anak na si Baby Peanut na kita na ang mukha.

Matatandaang unang binash ang celebrity couple nang ipost ni Luis ang litrato ng baby na karga niya pero tinakpan ng rose emoji ang mukha nito.

Kesyo pisot daw ba si Baby Peanut kaya hindi nila maipakita ang mukha?

Sinundan ito ng half face reveal ng baby na hinanapan uli ng maipipintas ang ilang netizens.

May something daw ba sa mukha ni Baby Peanut na ayaw ilantad ng mag-asawa?

Mahinahon naman ang reaksyon ni Jessy, hayaan daw muna silang i-enjoy ang kanilang baby pero pasasaan ba’t ilalantad din nila ang itsura nito.

Nitong January 29, tinuldukan na nina Jessy at Luis ang pananabik ng mga netizens nang sa wakas ay ipinost na nila ang mukha ng anak.

Ayon sa mga comments, parang anak daw ito ng foreigner dahil tisay na tisay ito.

Marami rin sa mga kapwa celebrities ang nakyutan kay Baby Peanut.

But just when the couple thought they had satisfied the netizens’ curiosity ay may isang netizen na hindi nagkagusto sa face reveal.

Anito, ipakikita rin daw pala ng mag-asawa ang itsura ni Baby Peanut ay ang dami pang arte ng mga ito.

Knowing Luis, hindi niya pinalampas ang comment ng basher.

Napagtripan tuloy ni Luis ang profile picture ng basher sa Instagram.

Post ni Luis: “Salamat na lang po pero parang nalunok n’yo si Mickey Mouse.”

Kilalang mapagpatol si Luis sa kanyang mga bashers.

Pero pumapatol ang TV host-actor sa paraang sarkastiko ang mga banat niya.

Kung siya nga mismo pag bina-bash ay nagre-react, how much more kung ang anak na niya ang kinakanti ng mga taong walang magawa sa buhay? Ronnie Carrasco III