Luis, humirit ng “pamana” para sa anak!

Luis, humirit ng “pamana” para sa anak!

January 12, 2023 @ 11:53 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Kung si Vilma Santos ang tatanungin, nakuha ng kanyang apong si Isabelle Rose ang lahat ng features ng kanyang anak na si Luis Manzano.

Isa lang daw ang nakuha ni Baby Peanut sa inang si Jessy Mendiola: lips.

Tulad ng alam ng lahat, hindi lola kundi momsie ang gustong itawag sa kanya ng kanyang apo.

At dahil nga raw maraming features nito ang namana kay Luis, hirit nito’y bigyan ng ina ng lote ang apo.

Hindi lang ‘yon ang nilalambing ng mag-asawa, maging ang unang pair of earrings ni Baby Peanut ay dapat manggaling sa Star for All Seasons.

For all we know, higit pa roon ang willing ibigay ni Momsie Vi sa apo.

Ikinatuwa rin ni Vilma ang ibinigay na pangalan sa baby na Isabelle Rose.

Vilma’s real first name is Rosa Vilma.

Ngayon pa lang daw ay hinuhulaan na ni Vilma that Isabelle Rose will grow up to be Papa’s girl.

Ngumingiti raw kasi ito sa tuwing kinakausap ni Luis, na animo’y nakakaintindi na.

As for Baby Peanut’s mamanahin from her lola, baka manawa ito sa dami!

Minsan nang vinlog ni Vilma ang daan-daan niyang sunglasses na binibili niya sa tuwing bumibiyahe siya sa ibang bansa. Ronnie Carrasco III