Luis Manzano, pakakasalan na si Jessy Mendiola

Luis Manzano, pakakasalan na si Jessy Mendiola

June 30, 2018 @ 5:09 PM 4 years ago


Kung si Luis Manzano lang ang masusunod gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya.

Lampas 30 years old na si Luis kaya hinahabol na niya ngayon na magkaroon ng sariling pamilya.

Isa pa sa nag-aantay na magkaroon ng apo ay ang.mother ni Luis na si Ate Vilma Santos. Matagal ng gustong makita ni Ate Vi ang kanyang aponkay Luis. Kaya inaapura na rin ni Ate Vi si Luis na magkatoon na ng anak. Kaya lang ang tanong kailan?

Nung huling interbyu ko kay Luis sinabi niya na gusto na talaga niya magka pamilya. Nag aanatay lang talaga siya ng babaeng para sa kanya.

Si Jessy Mendiola ngayon ang karelasyon ni Luis. At sa istado ng buhay ni Jessy.ngayon ay mahihirapan itong magpamilya o magpakasal ngayon dahil sa dami.ng kanyanh obligasyol.

Nasa Ang Probinsyano si Jessy ngayon. siya.ang gumaganap na nurse na may gusto kay Cardo na ginagampanan naman ni Coco Martin.

Maliban pa diyan ay may upcoming show si Jessy sa ABSCBN. Kaya imposibleng tanggapin ni Jessy ang alok ni Luis na kasal if ever man na mag offer si Luis ng kasal kay Jessy.

Ini-enjoy muna nina Luis at Jessy ang kanilang relasyon. Palagi silang naga- abroad at nagbabakasyon. Parehong masayanang dalawa sa mga.litrato na.pinopost nila sa kabi, kanilang.mga instagram account.

******

Raratsada ulit ang isang miyembro ng dating male group na Boyfriends. Sila ang kumanta ng mga awiting, Sumayaw sumunod, at marami pang iba.

Si Nitoy ang isa sa member ng Boyfriends na ngayon ay nag solo na at mayroon nang sariling album ngayon.

Sa kanyang latest album ay kinanta nito ang awiting “Ako na Lang” na siya mismo ang nag-compose. Sampung awitin ang laman ng kanyang album. Puwede na itong mai,download sa itunes, spotify at iba pa. Kaya ngayob puspusan ang kanyang pagpromote ng kanyang album.

Siya na rin ang latest ambassador ng Gamboa Coffee.

Magkakaroon na rin siya ng sariling concert ngayon darating na buwan.

DIRECTORS CUT ni Benny Andaya