Luis, may panawagan sa NBI!

Luis, may panawagan sa NBI!

February 2, 2023 @ 10:27 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hiniling ng aktor na si Luis Philippe “Lucky” Manzano sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang Flex Fuel Petroleum Corporation matapos siyang lapitan ng mga investor nito para humingi ng tulong sa pagbawi ng kanilang mga investment sa fuel company, na diumano ay may utang din sa aktor ng mahigit 66 million pesos lang naman.

Sa isang liham na naka-address kay NBI Director Atty. Medardo De Lemos, sa pamamagitan ng abogado ni Manzano na si Atty. Regidor Caringal, nilinaw niya na “nagpasya siyang alisin ang kanyang interes at nagbitiw bilang chairman of the board” ng ilang korporasyon sa ICM group na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Ildefonso “Bong” Medel, kabilang ang Flex Fuel Petroleum Corporation.

Ayon kay Caringal, “iba’t ibang indibidwal ang nagsasabing sila ay mga mamumuhunan kasama ang may-ari ng Flex Fuel na nakikipag-ugnayan sa aming kliyente para sa tulong.”

Sinabi ni Caringal na umaapela si Manzano sa NBI “na magsagawa ng imbestigasyon sa bagay na ito” dahil nabigo si Medel na tugunan ang mga alalahanin ng mga nasabing investor.

Sa isang affidavit na may petsang Disyembre 21, 2022, ipinaliwanag ni Manzano na ginawa siyang chairman ng mga board ng mga kumpanya ng Medel “bilang isa sa mga garantiya para sa aking pamumuhunan.”

Binigyang-diin ni Manzano na, “I never took part in the management of the business” at kalaunan ay nagbitiw na at pormal nang humiwalay sa mga kumpanya ng grupo ng ICM, kabilang ang Flex Fuel.

“Bong conduct the business in such a way that operational matters were kept away from me,” ani Manzano, na idinagdag na hindi ibinunyag ni Medel ang “important matters” sa kanya.

Sa parehong affidavit, isinalaysay ni Manzano na matapos magbitiw sa Flex Fuel at iba pang kumpanya ng ICM noong Pebrero 2022, iba’t ibang investor ang nag-reach out sa kanya para humingi ng tulong, ngunit matapos itong maihatid sa Medel, walang aksyon na ginawa ang huli.

“Hanggang ngayon,” lamented Manzano in the affidavit, “may mga indibidwal pa rin nagpapaabot sa akin na kailangan nila ng tulong sa kanilang pamumuhunan sa Flex Fuel.” Julie Bonifacio