‘Luis’ nakalabas na ng PAR bilang severe tropical storm

‘Luis’ nakalabas na ng PAR bilang severe tropical storm

September 29, 2022 @ 11:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng state weather bureau, PAGASA, nitong Huwebes na lumakas si Tropical Storm Luis has sa isang severe tropical storm subalit nakalabas na ng  Philippine Area of Responsibility.

Sa bulletin, inihayag ng PAGASA na si Luis ay naging severe tropical storm kaninang alas-8 ng umaga at lumabas sa PAR ng alas-9 ng umaga nitong Huwebes.

Ang severe tropical storm ay hindi direktang makaaapekto sa isa panahon at magdudulot ng rough seas sa coastal waters sa bansa sa loob ng forecast period, batay sa PAGASA.

Inaasahang magpapatuloy si Luis patungong norte o north northeastward hanggang Biyernes bago lumiko pa-northeastward o east northeastward sa natitirang bahagi ng forecast period, ayon sa PAGASA.

Posible rin na mas lumakas pa ito habang kumikilo sa dagat sa silangan ng Ryukyu Islands at posibleng maabot ang typhoon category sa loob ng 24 hours, dagdag nito. RNT/SA