Lula Da Silva nanumpang pangulo ng Brazil

Lula Da Silva nanumpang pangulo ng Brazil

January 2, 2023 @ 5:59 PM 4 weeks ago


BRAZIL – Nanumpa na sa ikatlong termino ang pangulo ng Brazil na si Luiz Inacio Lula da Silva.

Sa pamamagitan ng isang seremonya sa sakay ng presidential car sa kabisera ng bansa na Brasilia ay sinalubong ito ng kabi-kabilang security officers kasama si Vice President-elect Geraldo Alckmin.

“I promise to maintain, defend and fulfill the Constitution, observe the laws, promote the general good of the Brazilian people, uphold the unity, integrity and independence of Brazil,” pahayag ni Lula.

Pinasalamatan din niya ang mga mamamayan ng bansa sa pagtitiwala na muli siyang iboto at ipanalo sa ikatlong termino.

Sa kaniyang speech, inihayag niya ang kahalagahan ng demokrasya at isiniwalat din ang lahat ng mga pagbabanta, kasinungalingan at galit na ibinabato laban sa kanya, sabay sabing ang desisyon pa rin ng taumbayan ang masusunod.

Kasunod nito ay ang sigaw ng mga tagasuporta at mga opisyal ng “Ole ole ola Lula.”

Sa nagdaang eleksyon, natalo ni Lula ang katunggali na si dating Pangulong Jair Bolsonaro sa dikit na laban.

Nakakuha si Lula ng 50.9% sa ikinasang presidential elections noong Oktubre 30 habang si Bolsonaro ay nakakuha ng 49.1% ng mga boto. RNT/JGC