Lumabag sa gun ban, 410 na – Comelec

Lumabag sa gun ban, 410 na – Comelec

January 27, 2022 @ 2:29 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Pumalo na sa 410 ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa ipinapatupad na gun ban ng Comelec makaraang madagdagan ng 17 pang indibidwal.

Sa datos ng PNP, pawang sibilyan ang mga bagong naaresto.

Nasabat sa kanila ang 20 firearms; 99 ammunition; at limang deadly weapons.

Naaresto ang mga ito sa Samar, Cebu, Pampanga, Bulacan, Calabarzon, Central Luzon, Cagayan, Davao, Ilocos, at National Capital Region. RNT/FGDC