Lumabag sa gun ban 893 na – PNP

Lumabag sa gun ban 893 na – PNP

February 8, 2022 @ 5:37 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Naaresto ang kabuuang 893 katao sa paglabag sa gun ban kaugnay sa 2022 elections.

Ito ay makaraang 30 bagong lumabag ang maitala.

Batay sa datos ng PNP, karamihan sa naaresto ay galing sa National Capital Region na may 283 violator; sinundan ng Central Visayas na may 116; at Central Luzon na may 111.

Batay sa PNP, 861 ng naaresto ay sibilyan; walong police personnel; limang military personnel; at 11 ang security guards.

Nakumpiska naman ang kabuuang 695 armas; 4,493 ammunition,; at 307 deadly weapons.

Sa kabuuan, umabot na sa 779 operasyon ang naisagawa.   RNT/FGDC