Lumabas na ‘sabong’ modernization order, pinabulaanan ni Abalos

Lumabas na ‘sabong’ modernization order, pinabulaanan ni Abalos

October 17, 2022 @ 6:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Walang ipinalabas na bagong direktiba si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. hinggil sa modernisasyon ng operasyon ng sabungan sa bansa.

Hayagang pinabulaanan ni Abalos ang “unnumbered and unsigned memorandum circular” na may subject na “Guidelines on the Modernization of Cockpit Operation or Cockfighting” sa lahat ng local government units (LGUs) na nagbigay naman ng maling impresyon sa publiko ukol sa bagong guidelines na may kinalaman sa sabong.

Giit ng Kalihim, ito’y “spurious and unofficial document” at pinayuhan ang mga cockfighting aficionados na magtiwala lamang sa mga official sources.

“Official copies of DILG issuances may be accessed at our website (www.dilg.gov.ph), while official statements, reports, and updates are posted through our social media pages,’’ diing pahayag ni Abalos.

Aniya, ang pinakabagong opisyal na direktiba ng DILG na may kinalaman sa cockpit operations ay DILG MC No. 2022-003 na may petsang Enero 19, 2022, may subject na “Guidelines on the Resumption of Cockpit Operations or Cockfighting in Areas Under Alert level 2 or Lower.’’

Sa ilalim ng MC, tanging technology-based platforms at cashless betting ang pinapayagan para mapigilan ang physical contact o pagpapalitan ng pusta sa loob ng cockpit arena. Kris Jose