LUMALALANG KALAGAYAN NG “GROUND WATER” SA PILIPINAS

LUMALALANG KALAGAYAN NG “GROUND WATER” SA PILIPINAS

April 6, 2022 @ 9:53 PM 3 months ago


NOONG March 22, 2022, ang Pilipinas ay nakiisa sa paggunita ng “World Water Day” na ang tema ngayong taon ay “Groundwater: Making the invisible visible” o pagbibigay pansin sa lumalalang pang-aabuso sa pangangailangan sa malinis na tubig.

Kung hindi mabibigyang pansin ang masamang kalagayan ng mga “ground water” sa maraming panig ng mundo, naniniwala ang United Nations Development Program na ito ang magiging mitsa ng isang matinding digmaan – pag-aaway dahil sa pangagailangan sa malinis na tubig inumin.

Hindi dahil archipelagic country ang Pilipinas ay ligtas na tayo sa matinding pagka-uhaw. Dulot na rin ng polusyon at kapabayaan, manipis na ang reserbang tubig malinis sa ilalim ng ating kalupaan.

Ngayong araw na ito, bigyang halaga ang tubig. Madali nating itapon sa ngayon, pero lubhang mahalaga sa hinaharap.

Nagwagi bilang Miss Eco International 2022 si Kathleen Paton nito lamang March 17 sa Cairo, Egypt.

Dinaig niya ang 40 iba pang mga kalahok dahil sa kanyang kagandahan at katalinuhan.

Itinanghal na mga runner-up sina Misses Belgium, first runner-up; USA, second runner-up; Spain, third runner-up; at Malaysia, fourth runner-up.

Tinalakay ng Pinay beauty queen ang usapin ng water pollution kung saan ay matinding pagka-uhaw ang nararanasan ng mga matataas na lugar lalo na ngayong damang-dama na ang epekto ng climate change and global warming.

Napapanahon ang mensahe ni Kathleen na pangalagaan natin ang bawat pinagmumulan ng malinis na tubig katulad ng mga ground waters, ilog, sapa at mga dams. Akma sa katatapos pa lamang na paggunita nitong Martes bilang “World Water Day”.

Ito na ang ikalawang Miss Eco International crown na naiuwi ng bansa, una noong 2018, si Thalia Tomalla, at naging first runner-up naman sina Maureen Montagne at Kelley Day noong 2019 at 2021.

Mula sa inyong Agarang Serbisyo Lady at sa ating programa, ang aming pagbati ng “congratulations” kay Kathleen Paton.